Monday, August 31, 2009

Triathlon at Pasyal Pace

-

Natuwa naman ako sa larawan ko. Halatang enjoy ako dito! Salamat pareng Migs, freelance photographer and my marathon pacer.



Buti na lang talaga at sumali ako dito. Sa totoo lang, tinatamad ako noong una. Pagod pa rin siguro ang mga paa at utak ko sa mga speed drills na ginawa ko para sa Urbanite Run. Dati ayaw na ayaw ko ang takbo; ngayon yata sobrang in-love na ako rito - lalo na sa marathon. Halos puro takbo na lang ang ginagawa ko. Pansamantalang nakalimutan ko na try-athlete nga pala ako.



Laking pasasalamat ko na tinanong ako ni Aries at Ian kung nag-register na ako. Ilang araw bago ang deadline, nagpalista na rin ako at nagbayad. Medyo nagkaroon ng problema sa race pack claiming ko sa araw ng race, pero pinahanga ako nina Eric Pasion at ang kanyang mga tauhan sa paghagilap ng race kit para sa akin. Sa totoo lang medyo na stress rin akong isipin na bumiyahe ako papuntang UP mula Paranaque para lang pala manood at di makalahok. Sa tulong ng race organizer, sa paghahagilap ko ng di sumulpot na registered triathlete (buti na lang kilala ko ang dalawa sa kanila) at sa awa ng Diyos, opisyal na kalahok na rin ako!



Sa totoo lang namasyal lang talaga ako sa race na ito. Dahil dyed-in-the-wool Iskolar ng Bayan ako, nais ko lang makatikim mag-swimming sa UP Diliman pool. Lagi kasing sira or exclusive ito for varsity team noong kapanahunan ko noon. Medyo nalungkot lang ako nang nakita ko yung Men's facilities. Akala ko "needs improvement" na yung facilities sa UP Los Banos, mas kaaba-aba pala yung sa Diliman. Sana may matulong ang mga alumni sa kundisyon na ito.



Nilibang ko na lang ang sarili sa pakikipagkwentuhan at panonood. Maraming beginner na kasali rito kaya masaya ang atmosphere. Pero meron pa ring mga addicts at Camsur veterans tulad nila Rayzon ng Team PMI, dati kong officemate na si Ed at si Levy (Happy Hour) na malugod kong nakilala. Mga addicts, magbago na kayo! Hehe!







Posing for the cameras before the swim (myself, Aries and Ian)


Photo courtesy of Cholle


Dahil pasyal pace lang ako, relax swim lang ako. Pang-apat yata ako sa huli sa pag-ahon sa pool sa wave ko. Malakas pa rin swim endurance ko, pero ilang buwan na rin akong di lumangoy ng mabilis. Actually bihira talaga ako lumangoy ng mabilis! Haha. Sana maibalik ko man lang yung dating bilis ko (na hindi naman talaga kabilisan sa totoo lang). Mabagal man ako ninamnam ko yung langoy. Tuwing aahon ako binibiro ko pa si Jan (musang) na kung pwede i-sub niya ako. Ayos lang yung swim, pero hirap talaga akong umahon sa pool ng walang rails. Haha! Payo rin pala sa ibang newbie, iwasan mag-bikini o magsuot ng maluwag na shorts para di malantad sa madla ang likuran ninyo.





Mahirap talaga umahon ng pool kapag overweight!


Photo courtesy of Cholle



Matagal na ring panahon ang lumipas mula nang huli kong semplang dahil sa bike shoes. Pero dahil ayoko muna ng pressure at alam kong matao sa UP oval pag-Linggo, minarapat kong mag-running shoes na lang. Pero bilib ako sa organizer dahil nakuha nilang maglaan ng dedicated bike race lane. Ramdam ko rin ang deperensya ng walang bike shoes - mas mabagal ako at mas laspag ang legs. Ayos na rin dahil mas nakunan ako ng maayos sakay ng bike! Pasyal lang talaga ito sa lilim ng punong akasya.





Namamasyal sa park (Photo courtesy of Vener)





Walong ikot sa academic oval ang bike course. Masaya iyong unang ikot hanggang ika-anim dahil meron pa akong kasabay mamasyal - magbike pala - at ilang ulit ko ring nakita at nagpa-picture sa mga kaibigang sina Vener, Christy, Cholle at Maki. Panay rin ang kaway at bati ko sa mga kalahok tulad ni Hector (SecondWind store). Medyo napaisip lang ako (at napabilis ng kaunti) nung unti-unti na silang nawawala. Haha. Dahil dumudulas ang running shoes ko sa pedal at sa aking pasyal pace, ilang bikers rin ang umuna sa akin. Ito sigurong biking ang pagtutuunan ko ng pansin sa susunod.



Himalang meron akong naabutan na isang kalahok sa run portion. Mukhang napagod na siya at naglalakad paminsan-minsan. Sumabay ako ng kaunti at nagpakilala pero pinauna na rin niya ako kalaunan. Bro, sana tulad ko dati, ma-hook ka rin sa triathlon. Mahirap man siya, masaya pa rin!



Sa awa ng Diyos ay natapos ko rin ang pamamasyal. Labis ang aking galak at halata ito sa larawan sa ibaba. Salamat kina Vener, Christy, Cholle at Maki, na bagama't di kalahok sa triathlon ay hinintay akong matapos.



Hindi naman gaanong obvious na masaya ako ( Photo courtesy of Vener )



Sa wakas natapos rin ang pamamasyal ko! (Photo courtesy of Cholle)



Meron salo-salo matapos ang triathlon. Iyon na rin ang awarding time. Meron ilang atleta pa akong nakilala sa hapag-kainan (Pareng Lito, kita-kits sa Subic Marathon). Meron akong ilang kilala na nanalo. Si Rayzon ang overall men's winner. Si Levy at ilang miyembro ng Pinoy Ultra runners ay nasa top ten. Si Trina na kaibigan ni Aries ay second place winner sa female division. Ewan ko ba pero magaan at masaya ang pakiramdam ko sa karera at pagtitipon na ito. Katunayan, first time kong tumagal ng past 1:30 pm sa isang race site. Masaya ang karamihan, mabait yung Dean ng UP Law at maayos ang race organization. Maliit itong race pero merong puso. Sana bawat race ganon. Sana yung pamamasyal ko nakatulong kahit konti sa UP Office of Legal Aid at mga mahihirap na kailangan ng tulong. Balak daw ni Dean gawin annual ang competition. Malamang gagawin ko itong annual tradition. Baka sa 20th edition mapasa-akin na rin ang Dean's Cup!







Balang araw magpapagawa rin ako nito!


Photo courtesty of Aries

27 comments:

Jinoe said...

Yes! Inspired!

Gabo aka dakila said...

Congrats Rico! Bullet day sana maka "try" din ako hehehe

Anonymous said...

linggo ng wika ba ngayon, rico? hehehe. congrats at kita tayo sa lsd.

eo

Rico Villanueva said...

Jinoe, inspired? Hmmmn, I fell in love in UP several times, baka nga. Actually meron magagandang tanawin doon noong Linggo. Congrats pala as Milo Bacolod Run mo :-)

Hey Gabo...Nice to see you last Sunday. Pareho nga pala tayong iskolar ng bayan. Tingin ko yang bullet day mo will happen next year. Tara, paghandaan natin ang Camsur 2010. Kaya mo yan. Sana nanood ka nang swim leg. When you see the newbies happily trying, I am sure mae-enganyo ka at sasabihin mong "kaya ko rin yon!"

Kumusta EO. Nahuli nga ang linggo ng wika piece ko. Tagal ko nang balak magsulat sa Tagalog, pero laging napupurnada. Hirap humanap ng paksa at pagkakataon.

Kita-kits sa Alabang LSD

Kenkoy Runner said...

kami rin may ganyang adventures nung sunday sa maragondon. ibang level nga lang sha. hahahaha :) hindi katulad ng sa UP, pero fun indeed. sobrang gulo pa namin dun, bus pa lang, panalo na!

nakakapanibago at isang maaliwalas na pagbabgo na ang inyong nailathala ay nasa wikang tagalog. marahil ito'y bunga ng ating pakikipagtalastasan sa wikang tagalog sa sigaw kahon. (o isang pamamaraang matutong managalog ang ilang katotong hindi gaanong bihasa sa panangalog,hahaha).

hanggang sa susunod na karera!

kitakits!

Anonymous said...

Panalo Rico! Grabe walang kalagyan ang iyong kagalakan! Sana balang-araw ay makasali rin ako sa mga langoy-padyak-takbo mo!

Rico Villanueva said...

Kumusta kaibigang Timmy. Napukaw nga ang aking isip at damdamin nang minsang mag-usap-usap tayo sa wikang Filipino sa Sigaw-Kahon ng takbo.ph. Mula noon ay inasam ko na magsulat sa wikang aking kinalakihan at ngayon ay lubos na hinahanap-hanap.

Nabalitaan ko nga ang aktibidad sa Maragondon. Balita ko ay nahirapan kayong hanapin kung saan binaril at trinaydor si Andres Bonifacio. Anu't ano pa man, batid kong labis kayong nagsaya sa loob at labas ng mini-bus. Hanggang sa muling pagkikita.


Salamat Mananakbong Pinoy. Gusto ko ang pagsalin mo sa Tagalog ng salitang Triathlon. Langoy-padyak-takbo. Panalo nga ika mo. Dahil isa kang halimaw na atleta, sigurado akong maganda ang ipapakita mo sa isport na ito. :-)

Anonymous said...

ok ka talaga kita kits sa ULTRA speed BR. miss kna dun.
c titus 2.

Bro J said...

Rico, isang kagalakan ang makatagpo ka sa UP noong nakaraang Linggo. Binabati kita sa pagkaka-tapos mo sa paliksahan. Sana magawa ko rin ang nagawa mo. Hanggang sa muling pagkikita.

Unknown said...

Ang galing mo Rico! Nanood ako ng triathlon pagkatapos ko lumahok sa 10k na takbo para tignan kung kaya ko rin mag "try". Tignan natin next year. :)

Congrats!

Rico Villanueva said...

Hello Coach Titus. Hindi ko sigurado kung para sa akin ang iyong komento, pero nais ko lang iparating na base sa progreso ng mga coaching wards ninyo, bilib ako sa abilidad ninyo. Mabuhay po kayo!

Kumusta Bro J. Natuwa akong makita kayong mag-asawa sa race. Sayang lang at di ako nakapag-kuwentuhan sa inyo at hinahanap ko pa ang race kit ko. Napansin ko kayong nanood ng swim leg. Kayang-kaya ninyo rin iyon, di ba? At mukhang masaya. Sabi nga ni Sen. Pia Cayetano, the primary concern of a beginner should be to enjoy.

Hey Jan, there were a lot of beginners there. Magandang first race iyon for newbies. Sigurado ako kaya mo rin ito at mag-enjoy ka! Salamat sa cheers!

Bluesman68 said...

Rico,

Congrats bro on the finish. Triathlon is all about finishing, that's what I always keep in mind, and the reason why I don't get affected when someone passes me. For as long as I beat the cut-off and my previous PRs, I'm fine.

This was a week after Camsur and I was on siesta. If it weren't I would have joined you.

Ikinalulugod ko ang pagtapos mo sa karerang ito kaibigan, at nawa'y magkita tayo sa MOA Duathlon, Speedo NAGT at Asian Duathlon Championship. Banat hangga't kaya!

Mwah!

Deo P.

The Traveling Mom said...

hi rico, sayang di tayo nagkita sa ating dating unibersidad, sumali din ako at tumakbo ng 5k. ganda naman ng iyong sinulat. kahit anong bilis, o galing, hindi pa rin buo ang karanasan kapag hindi ka nag-enjoy. kitang-kita sa mga larawan mo! :) ingat at sana naman sa pasyal mo sa susunod ay may ka "holding hands" ka na...:) peace!:)

Rico Villanueva said...

Hey Ironman Deo! Sapat na yung saya at alaala mo ng pagtatapos ng 70.3 sa Camsur kaya di mo na muna kailangan ito. Kami munang mga newbie dito. Haha. Kita tayo sa MOA duathlon at UPLB. Yung Asian Duathlon Championship, pang next-next level ko pa yon. :-)

Uy Lorena, sayang di tayo nag-abot sa UP. O ayan, ikaw na rin ang nagsabi, "hindi pa rin buo ang karanasan kapag hindi ka nag-enjoy"....kaya enjoy running lang mi amiga :-)

wilson said...

from your pictures, it seems like you had a really really great time! you seem to be pretty much in your element in the triathlon sir rico! will we be seeing the sheer will runner in camsur next year?

Bong said...

Galing naman Rico. Kung gaano ka kagaling sumulat sa Ingles, ganon din sa Tagalog. Ito ang hindi naiintindihan ng marami ( lalo na yung mga non-runners), na masaya rin tayo pag tumatakbo sa race kahit na hindi ang manalo ang ating main goal. Kitang-kita sa mga litrato mo na nag-enjoy ka sa tri. At sulit naman dahil sa magandang patutunguhan din ang proceeds ng race. Hay sarap lang mag Tagalog, ito ang miss na miss ko.

Anonymous said...

Agree...
Inspired...!

ronald said...

maligayang bati, boss!

ian said...

Ga'no man kaigsi yung karera, hindi man 'to kasing layo ng 'taong bakal' :-) masaya talaga pag nakatawid ng finish... galeng! wehehehe...

Rico Villanueva said...

Hey wilson, why don't you give triathlon a try? kahit mini-sprint lang. You might like it. Strong runners normally have an edge.

Hey Bong, salamat. Hinahanap-hanap ko rin ang sumulat sa wikang Pilipino. Naaalala ko pa nung hayskul ako mas malimit akong sumulat sa Filipino kaysa Ingles. Ngayon, pati pag-iisip ko sa Ingles na rin. Para sa iyo (at sa akin), susulat ako sa Filipino paminsan-minsan. :-)

Hi Jerry. It's great you understood my Tagalog. I thought you only knew Ilonggo :-)

Elo Ronald, bili ka na rin ng roadbike. Mag-tri na tayo!

Ian, tama ka. Wala ito sa haba, nasa lalim ito ng dulot na saya. Haha!

Neil said...

Yan ang gusto ko sa pasyal pace. Nakangiti pa rin hanggang sa uli. Langoy na lang kulang ko. Sana next year...


Congrats!!

argonaut said...

How I wish I could do the same! Nice pix pala galing ni Migz ah!

Rico Villanueva said...

Neil, kaya yang langoy na yan! Let me know when you intend to do your triathlon at pasyal pace. Pasyal tayo together! Haha!

Argo, kaya mo rin yan. Galing ni Migs no? But your captured moments are riveting as well :-)

Anonymous said...

Galeng Rico! Aliw ang pagkakalathala!

I was there doing my long run. It was more than the usual festive day at UP. Cheers!

Rico Villanueva said...

Maraming salamat Gleeman. Ang layo ng dinayo mo para sa long run. Pero sigurado ako sulit naman ang biyahe at takbo mo :-)

Nora, the golden girl said...

Rico! Wala akong masabehh . . . sarap2 ng mga ngiti mo. Obvious (este kitang-kita) ang kagalakan mo habang umaahon sa tubig, pumapadyak sa gitna ng mga puno at rumaragasa hanggang dulo.

Wag kang mag-alala. Pasasaan ba't mapapasaiyo din ang iyong inaasam-asam na gantimpala. Sali lang ng sali. Wag mong tantanan.

Wala daw masabi pero ang daming sinabi hah hah . . .

Rico Villanueva said...

"Wala daw masabi pero ang daming sinabi hah hah . . ." Natawa naman ako dito, Nora. Tama ka, sali lang ng sali. Haha :-)